DEPED, DOH, DSWD NANGUNANG TOP PERFORMING GOV’T AGENCIES

DEPED, DOH, DSWD NANGUNANG TOP PERFORMING GOV’T AGENCIES

December 9, 2022 @ 9:25 AM 2 months ago


NANGUNA sa  top performing government agencies ang Department of Education na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, Department of Health na tumatayo bilang officer-in-charge si Dr. Maria Rosario Vergeire at DSWD o Department of Social Welfare and Development kung saan namumuno si Secretary Erwin Tulfo, sa Tugon ng Bayan poll survey na isinagawa ng OCTA Research mula October 23 hanggang 27, 2022.

Nasa 87% ang pabor sa ginagawa ng DedEd, 78% naman ang DOH at 76% ang DSWD.

Pasok din sa top ten agencies na may gradong 50% o higit pa ang –
DPWH o Department of Public Works and Highways;
DOST o Department of Science and Technology;
DILG o Department of the Interior and Local Government;
DOLE o Department of Labor and Employment;
DA o Department of Agriculture na mismong pinamumunuan ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.;
DENR o Department of Environment and Natural Resources;
DFA o Department of Foreign Affairs; at ang
DOJ o Department of Justice

Kung base sa geographical location, DSWD ang may mataas na satisfaction rating sa NCR o National Capital Region habang sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao ay ang DEPED.

Ang DEPED din ang nakakuha ng mataas na puntos sa economic classes 81%, sa class ABC 88% sa Class D, at 86% sa Class E.

Ang bagong tatag na DMW o Department of Migrant Workers naman ang nakakuha ng pinakamataas na dissatisfaction rating na 36%.

Nagpasalamat si VP Sara sa pagtitiwala ng publiko sa Kagawaran, aniya, ito ay resulta ng pagtratrabaho ng 900,000  na mga guro at non-teaching staff ng DEPED.

Alay din ni Dr. Vergeire ang magandang pagtingin ng publiko sa DOH sa mga public health workers na hanggang sa kasalukuyan ay bahagi ng laban kontra coronavirus disease 2019.

Gumamit ang OCTA Research ng 1,200 sampling at may margin of error na plus or minus three percent (+-3%).