DepED, DOH, DSWD top performing agencies sa OCTA survey
December 6, 2022 @ 3:36 PM
2 months ago
Views: 249
Shyr Abarentos2022-12-06T14:35:53+08:00
MANILA, Philippines- Itinanghal ang Department of Education (DepED), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang top three performing agencies ng pamahalaan, base sa resulta ng OCTA Research-Tugon ng Masa survey na ipinalabas nitong Martes.
Base sa independent at non-commissioned survey, na isinagawa mula Oct. 23 hanggang 27 na may 1,200 adult respondents sa buong bansa, 77 porsyento ng adult respondents ay pinakakontento sa performance ng DepED sa nakalipas na tatlong buwan.
Aprubado rin ng mga Pilipino ang job performance ng DOH at DSWD, na nakakuha ng 79 porsyento at 76 porsyento.
Tanging 2 porsyento ang nagsabing “dissatisfied” sila sa performance ng DepED, habang 11 porsyento ang “undecided”.
Inihayag ng OCTA na halos 4 porsyento at 7 porsyento ang dissatisfied sa job performance ng DOH at ng DSWD.
Samantala ang undecided sa performance ng DOH at DSWD ay 17 porsyento at 16 porsyento.
Gayundin, napag-alaman sa survey na ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Department of Migrant Workers (DMW) ang least performing agencies na may ratings na 38 porsyento, 35 porsyento, at 10 porsyento.
Ang dissatisfaction sa DICT, DHSUD, at DMW ay 8 porsyento, 9 porsyento, at 36 porsyento, habang ang indecision ay 52 porsyento, 55 porsyento, at 54 porsyento.
Ang sumusunod ang satisfaction ratings ng national government agencies, ayon sa Tugon ng Masa survey ng OCTA:
-
DepED (87 porsyento)
-
DOH (79 porsyento)
-
DSWD (76 porsyento)
-
Department of Public Works and Highways (72 porsyento)
-
Department of the Interior and Local Government (65 porsyento)
-
Department of Labor and Employment (64 porsyento)
-
Department of Agriculture (62 porsyento)
-
Department of Environment and Natural Resources (57 porsyento)
-
Department of Foreign Affairs (54 porsyento)
-
Department of Justice (54 porsyento)
-
Department of Science and Technology (50 porsyento)
-
Department of Finance (49 porsyento)
-
Department of Tourism (48 porsyento)
-
Department of Transportation (47 porsyento)
-
Department of National Defense (45 porsyento)
-
Department of Budget and Management (42 porsyento)
-
Department of Trade and Industry (42 porsyento)
-
Department of Energy (40 porsyento)
-
DICT (38 porsyento)
-
DHSUD (35 porsyento)
-
DMW (10 porsyento). RNT/SA
January 30, 2023 @7:56 PM
Views: 59
MANILA, Philippines – Patay ang isang rider nang masalpok niya ang lady guard na umaasiste sa isang sasakyan na umaatras dahilan upang matumba ang minamaneho niyang motorsiklo at masagasan naman na paparating na truck sa Quezon City, Linggo ng hapon, Enero 29.
Kinilala ang rider na nasawi na si Paul P. Talla, nasa hustong gulang, at residente ng Saint Joseph St., Brgy. Holy Spirit Q.C., habang sugatan naman ang nasalpok niyang lady guard na si Renalyn Cordovez Quintero, nakatira sa Barrio Sto, Cristo Tala Caloocan City.
Agad namang nadakip ang suspek na si Rodney Sarabia Diangzon, 35, may asawa, driver, at naninirahan sa Sitio Dilain, Brgy, San Juan Cainta Rizal.
Sa ulqt Quezon City Police District (QCPD), Traffic Sector 6, bandang 5:20 ng hapon (January 29), nang maganap ang aksidente sa Congressional Ave., malapit sa kanto ng Visayas Ave., Brgy. Bahay Toro,, Q.C.
Sa imbestigasyon ni PSSg Romeo A. Birog Jr., ng Traffic Sector 6, kapwa binabaybay nina Talla na sakay ng Motorsiklo na may plakang 6074-NA at ng suspek na lulan naman ng Isuzu Dropside Truck na may plate number na DAL-1046 ang kahabaan ng Congressional galing sa Mindanao Avenue at patungong Visayas.
Pagdating sa nasabing lugar ay nasalpok ng rider ang lady guard na noon ay nag-aasiste ng isang sasakyan na umaatras.
Dahil sa pagkabigla ay natumba ang minamanehong motor ni Talla at eksakto namang paparating ang minamanehing truck ng suspek dahilan upang masagasaan ang rider na agad nitong ikinamatay.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. Jan Sinocruz
January 30, 2023 @7:43 PM
Views: 53
BULACAN – Nasa mahigit P14 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa loob ng isang linggong buy-buy operation sa ibat-ibang lugar sa lalawigang ito.
Ayon sa kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, 86 indibiduwal na hinihinalang tulak ang kanilang nahuli simula hating gabi ng Emero 23 hanggang Enero 29, taong kasalukuyan.
Sa report, nakumpiska nila ang 288 sachets shabu at 31 sachets pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang P14,501,737.4 at buy-bust money.
Arestado rin ng mga awtoridad sa loob ng isang linggo sa bisa ng warrant of arrest ang 102 umanoy kriminal kabilang ang apat na Most Wanted Person (MWP).
Samantala, 20 indibiduwal din ang nasakote na nagsusugal gaya ng sabong, nagbabaraha at cara y cruz na nakumpiskahan ng mga gambling paraphernalias at kanilang pusta. Dick Mirasol III
January 30, 2023 @7:30 PM
Views: 57
MANILA, Philippines – Upang protektahan ang kapaligiran inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilient and Sustainable Communities) sa ginanap na second leg ng Multistakeholder Forum ng ahensiya na idinaos sa Visayas noong Enero 18.
Ayon sa DENR isa sa mga naging bunga ng panel discussion sa unang multistakeholder forum sa Manila noong Oktubre, ang Project TRANSFORM ay magbibigay ng suporta sa bagong Environment and Natural Resources (ENR) Resiliency Framework ng DENR upang makapaghatid ng environmental, social at economic gains sa lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Patatatagin ng thrust at directive ni Environment Secretary Antonia Loyzaga na maisama ang “whole of society” sa misyon ng DENR, layunin ng proyekto na mapagsama-sama ang best practices mula sa gobyerno at pribadong sektor upang makapaghatid ng inclusive, science-based at data-driven template na maaaring gamitin ng lahat ng stakeholders, partners at LGUs upang labanan ang tumataas na climate emergency.
“This project will be inclusive, meaning all stakeholders and partners will be welcome to support this based on the demands and needs of the communities,” saad ni DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas R. Leones.
Kaugnay nito napili ang Ormoc City sa Leyte bilang pilot area para sa implementasyon ng Project TRANSFORM na isasagawa ng DENR sa pakikipagtulungan ng City Government of Ormoc, National Resilience Council, Philippine Business for Social Progress, Peace and Equity Foundation, Zuellig Family Foundation, and Energy Development Corporation (EDC).
Ayon kay Mayor Lucy Torres-Gomez, nagpapasalamat siya na ang Ormoc ay napiling pilot site ng Project TRANSFORM dahil ang lungsod ay makakukuha ng mas maraming environmental protection, assistance at inputs.
“Our localized sustainability and resilience program will now be turbo boosted by the DENR to offer higher level solutions to raising ecological integrity and improving social economic conditions, not only for Ormocanons, but for the surrounding municipalities as well,” sabi ni Torres-Gomez.
Samantala sa ginanap na stakeholder forum noong January 18, ang DENR at ang multi-sectoral partners nito ay lumagda ng pledge of commitment na nagsasaad ng kanilang kooperasyon upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin
Ang Project Transform ay binubuo ng limang modules na binuo ng DENR at EDC na ibabahagi sa mga LGUs upang mapalakas ang kanilang mga programa sa iba’t-ibang aspeto: biodiversity, greenhouse gases (GHG) accounting, financial literacy, disaster management, at nature-based solutions. Santi Celario
January 30, 2023 @7:17 PM
Views: 57
MANILA, Philippines – Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Comelec Chairman George Garcia para makapaglunsad ng Register Anywere Program para sa mga empleyado ng Senado.

Tatagal ito ng dalawang araw, simula ngayon, Enero 30 hanggang bukas, Enero 31 para sa mga nais magparehistro, mag-renew o maglipat ng rehistro na mga empleyado at kaanak nito.
Sinaksihan nina Senado Nancy Binay, Senador JV Ejercito at Senator Robinhood Padilla ang MOU na ito.
Sa ilalim ng naturang programa, ang Comelec mismo ang lalapit sa mga piling lugar, gaya ng gagawin sa Senado, para mapadali ang voters registration ng mga kababayan. RNT
January 30, 2023 @7:08 PM
Views: 74
MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapaabot ito ng tulong sa pamilya ng OFW na si Jullebee Ranara, 35 taong gulang na kasambahay na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kaniyang tinedyer na amo.
“I just wanted to offer my sympathies to the family and to assure them that all the assistance that they might need… for the family and for whatever else, ang pangako ko sa kanila. Kaya naman nagsakripisyo ang anak nila na magtrabaho sa abroad ay dahil may mga pangarap siya para sa kanyang pamilya,” ayon sa Pangulo.
“Kaya’t sinabi ko dahil nawala na ‘yung anak ninyo kami na lang ang tutupad ng pangarap ninyo. Lahat ng assistance na puwede naming ibigay, ibibigay namin,” dagdag na wika ng Pangulo.
Kaninang tanghali, nagpunta ang Pangulo sa lamay ni Ranara sa Las Piñas City, sinabi nito na ang gobyerno ng Pilipinas ay nagtatakda na ng bilateral meetings sa Kuwait para repasuhin ang Bilateral Labor Agreement (BLA) upang mas lalong maprotektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng pagpatay kay Ranara di umano ng anak ng kanyang amo.

“We are also scheduling bilateral meetings with Kuwait to look at the agreement that we have to see if there are any weaknesses in the agreement that allowed this to happen and to make sure that those weaknesses are remedied so that the agreement is stronger and… will be more supportive of our workers,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, kasama ng Pangulo sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, Senator Mark Villar, Las Piñas City Representative Camille Villar, at iba pa.
Samantala, sa ulat, isinasailalim na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kaniyang tinedyer na amo.
Makaraang dumating sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtungo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite na pinagdalhan sa bangkay.
Layon ng awtopsiya na masuri ang tinamong panloob at panlabas na pinsala sa katawan ng Pilipina para matukoy ang mga sirkumstansya na dahilan ng kaniyang pagkasawi.
Inaasahan naman na matatapos ang “histopathology at general toxicology examinations” sa mga sampol na tisyu sa loob ng dalawang linggo.
Nabatid na dumating sa bansa ang labi ni Ranara nitong Biyernes ng gabi at mismong ang pamilya niya ang humiling sa NBI na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.
Natagpuan sa isang disyerto sa Kuwait ang labi ni Ranara na sinunog. Itinuturo ang 17-taong gulang na lalaking amo ng biktima na siyang suspek sa pagpaslang at sinasabing panggagahasa sa OFW. Kris Jose