DepEd, DSWD, bumida sa ikatlong Cabinet meeting ni PBBM

DepEd, DSWD, bumida sa ikatlong Cabinet meeting ni PBBM

July 19, 2022 @ 4:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa pangatlong cabinet meeting ang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw.

Tinalakay ng Department of Education ang kanilang Priority Programs and Projects para sa Basic Education habang ipinrisinta naman ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang sariling Programs and Projects para sa Social Welfare.

Nagbigay naman ng maikling deklarasyon si DSWD Sec. Erwin Tulfo hinggil sa Pantawid Pamilyang Pilipino program kung saan may 1.3 milyong benepisaryo mula sa 4.4 ay hindi na nito kinokonsiderang “poor” o mahirap bilang kuwalipikado para sa 4Ps benefits.

“This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the said program,” ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles. Kris Jose