DepEd humihingi pa ng dagdag-pondo

DepEd humihingi pa ng dagdag-pondo

September 16, 2020 @ 2:18 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Humihingi ng karagdagang pondo ang Department of Education matapos mabasura ang cash incentive para sa mga guro.

“I think the reason why the DBM was not able to consider this in the 2021 NEP is the reason these are congressional initiatives,” saad ni Undersecretary Annalyn Sevilla.

Ayon kay Sevilla ang P1,000 World Teachers’ Day incentive at P500 annual medical exam benefit ay wala sa 2021 budget.

“However, as an update, these two benefits are not anymore existing in the 2021 NEP. So this was not considered by the DBM for our 2021 budget,” dagdag nito.

Magkakaloob dapat ng P1,500 incentive para sa kwalipikadong guro ngayon buwan hanggang Oktubre.

Sabi pa nito na kailangan ng karagdagang P1 bilyong pondo para sa nasabing incentives.

Matatandaang tinapyasan ng DBM ang hinihinging P1.1 trilyong pondo ng ahensya sa P606.5 bilyon.

Bumaba ang pondo ng ahensya ng 28.39 porsyento mula P36.6 bilyon nitong 2020 sa P26.3 bilyon sa 2021.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...