DepEd itinangging ‘di naglaan ng pondo para sa SPED programs

DepEd itinangging ‘di naglaan ng pondo para sa SPED programs

September 19, 2022 @ 10:34 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinanggi ng Department of Education nitong Lunes ang ulat na hindi ito ng naglaan ng budget para sa special education (SPED) programs para sa learners with disabilities. 

Inihayag ng DepEd na nagpanukala ito ng budget na P532 milyon para sa SPED sa FY 2023. 

“Unfortunately, despite our earnest efforts to advocate for learners with special needs, it was not considered in the National Expenditure Program. This is true for two other programs that were excluded from NEP,” dagdag nito.

Tinapyasan ng Department of Budget and Management earlier ang proposed 2023 budget ng DepEd ng  halos P144 bilyon, o mas mababa ng 17.8 porsyento kumpara sa original proposal na P810.414 bilyong budget para sa 2023. 

Dahil dito, hindi nakakuha ng pondo ang mga sumusunod: site validation at preliminary detailed engineering activities para sa basic education facilities, priority school health facilities, at ang Special Education Program para sa mga may special needs.

“For this year, DepEd has no budget for this and we are just utilizing whatever is the available funds for 2022,” sabi ni Education Undersecretary Jose Ernesto Gaviola.

Kabilang pa sa mga proyekto, aktibidad at programa na apektado ng pagbawas sa budget ang mga sumusunod:

  • Child Protection Program, mas mababa ng 82.2 porsyento sa P4.74 milyon mula sa P26.72 milyon para sa 2022;

  • Development and Management of Bilateral and Multilateral Education Projects, mas mababa ng 79.1 porsyento sa P13.123 milyon mula sa P62.6 milyon;

  • Indigenous People’s Education Program, mas mababa ng 63 porsyento sa P53.358 milyon mula sa P144.306 milyon;

  • Computerization Program, mas mababa ng 24.4 porsyento sa P8.88 bilyon mula sa P11.742 bilyon; at

  • Last Mile Schools Program, mas mababa ng 0.7 porsyento sa P1.5 bilyon mula sa P1.510 bilyon.

Iginiit ng DepEd na ang non-allocation ng pondo ay isang “recurring circumstance every year” at makikipagtulungan ang departamento sa Kamara upang gumawa ng paraan na mapondohan ang mga programa ng DepEd.

“This statement is released with the hope of clarifying and addressing malicious and misleading reports that DepEd deliberately excluded funding for the Special Education Program,” anito. RNT/SA