DepEd kinilala bilang ‘most trusted’ gov’t agency

DepEd kinilala bilang ‘most trusted’ gov’t agency

November 25, 2021 @ 5:22 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Tinanggap ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes ang pagkilala sa ahensya bilang “most trusted government office” base sa 2021 Philippine Trust Index (PTI).

Sinabi nito na naging posible ang pagkilala dahil sa pagsisiskap ng education front-liners na malaki ang naiambag sa basic education learning continuity plan.

“While we are faced with the daunting challenges of the pandemic on a daily basis, public trust is the quintessential backbone which we depend on to ensure that all our programs are truly relevant and impactful to the lives of every Filipino,” pahayag ng Deped.

Nanguna ang DepEd sa listahan at nakatanggap ng 91 porsyentong trust rating mula sa publiko.

Ilan pa sa mga pinagkakatiwalaang ahensya ay ang Pag-IBIG Fund (89 porsyento), Department of Social Welfare and Development (88 porsyento), Government Service Insurance System and Bangko Sentral ng Pilipinas na parehong nakakuha ng 87 porsyento.

Layunin ng PTI 2021, isang biennial research ng communications firm EON Group, na masukat ang lebel ng tiwala ng publiko sa multi-tiered organizations sa gitna ng pandemya. RNT/SA