DepEd kumpiyansa sa F2F classes sa Enero 2022  

DepEd kumpiyansa sa F2F classes sa Enero 2022  

December 9, 2021 @ 12:36 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Education (DepEd) sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa Enero 2022 sa gitna ng COVID pandemic.

Sa panayam ng ANC, sinabi DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma na pagkatapos ng pilot implementation ngayong Disyembre, mas maraming grade level at mas mahabang oras ng klase ang maikokonsidera.

“This would happen by the early part of next year. We are optimistic that we could start the expansion phase by January.”

Sa ongoing pilot face-to-classes, tanging Kindergarten hanggang Grade 3 maging ang Senior High School students ang nakilahok.

Base kay Garma, may kabuuang 272 public schools at18 private schools ang nagsasagawa na ng face-to-face classes sa bansa sa ilalim ng pilot implementation.

“We are doing the pilot precisely because we want to learn from this. This will serve as the basis for our recommendation to the Office of the President if ever we’re going to expand this next year.” RNT/FGDC