DepEd may 1 taon para desisyunan ang K-12 review

DepEd may 1 taon para desisyunan ang K-12 review

July 27, 2022 @ 6:58 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Mayroong isang taon ang Department of Education (DepEd) para magdesisyon sa K-12 program review, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Sa post-State of the Nation Address (SONA) forum, sinabi ni Duterte na nagbigay ng timeline sa DepEd si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang second Cabinet meeting noong nakaraang Hulyo 19.

“We were given by President Marcos, one year this school year, the school year 2022-2023, to give a final answer about our K-12 program here in the country,” ayon kay VP Sara.

Aniya pa, ia-adopt nila ang Basic Education Development Plan ng nagdaang administrasyon habang minamadali na ng DepEd ang kanilang pagre-review sa K-12 program.

Ang assessment aniya ng Senior High School program ay gagawin sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na aniya siya sa Department of Labor and Employment para mapahusay pa ang “skills framework” ng Pilipinas.

Nauna rito, suportado naman ni Pangulong Marcos ang curriculum review para tugunan ang mga importanteng usapin gaya ng job mismatch. RNT