DepEd: Mga estudyanteng masasapul ng COVID sa F2F classes, excused

DepEd: Mga estudyanteng masasapul ng COVID sa F2F classes, excused

August 16, 2022 @ 5:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ituturing na excused sa klase ang mga mag-aaral na masasapul ng COVID-19 sa pag-arangkada ng face-to-face classes, base sa Department of Education (DepEd) nitong Martes.

β€œDoon sa assistance sa mga estudyante, basically, ang magagawa lang natin is ma-excuse sila sa classes nila as soon as may sintomas,” tugon ni DepEd spokesman Michael Poa sa tanong ukol sa ibibigay na assistance ng DepEd sa mga estudyante na magkakaroon ng COVID-19.

Nanawagan naman si Poa sa mga magulang na huwag nang papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Idinagdag niya na ang mga batang magkakaroon ng sintomas ng COVID-19 ay pwedeng lumipat sa modular learning o online learning, depende sa kaso.

β€œOnce na pumasok sila at may mga sintomas, they will be automatically excused from class and switch to either to modular learning or online learning, depende sa sitwasyon at depende sa kalagayan nila,” sabi niya.

Inihayag din ni Poa na ang DepEd, sa tulong ng Department of Health, ay isinusulong ang counseling para sa mga estudyante at mga magulang na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ipinag-utos din ng DepEd sa mga paaralan na magkaroon ng sariling infection containment plan o strategies upang mapangasiwaan ang mga estudyanteng matatamaan ng COVID-19. RNT/SA