DepEd nagkasa ng imbestigasyon vs 6 Cavite teachers na sangkot sa sexual harassment

DepEd nagkasa ng imbestigasyon vs 6 Cavite teachers na sangkot sa sexual harassment

August 29, 2022 @ 5:34 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes na iiniimbestigahan na ng opisina nito sa Bacoor, Cavite ang alegasyong sexual harassment ng mga guro sa mga estudyante sa isang local high school.

Inilarawan ni DepEd Spokesperson Michael Poa ang alegasyon na  “very disturbing news,” at sinabing labis itong sineseryoso ng ahensya.

“Upon inquiry, I was informed that the Schools Division Office (SDO) was made aware of these allegations of sexual harassment last week and that an investigation has already started and is currently underway,” sabi ni Poa.

Ito ang naging reaksyon ni Poa sa isang viral post sa Twitter, kung saan ilang mga estudyante ang nagsumbong ukol sa sekswal na pang-aabuso sa kanila ng ilang guro.

Kabilang sa Twitter thread ang screenshots ng umano’y pag-uusap sa Messenger kung saan makikita ang “sexual advances” at “inappropriate comments” ng mga guro sa mga estudyante.

Ayon kay Poa, nasa anim na guro “were not given any teaching load pending initial investigation on the matter.”

“We will continue to coordinate with the SDO and the Regional Office concerned. We have zero-tolerance for any form of abuse in our schools,” dagdag niya. RNT/SA