DepEd nagpasaklolo sa DOJ sa mga mali sa module

DepEd nagpasaklolo sa DOJ sa mga mali sa module

November 27, 2020 @ 7:31 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Nagpasaklolo na ang Department of Education sa Department of Justice sa kung paano nila haharapin ang mga taong naninisi sa DepEd sa mga mali sa self-learning modules.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na dumulog na sila sa DOJ para humingi ng tulong makaraang matuklasan nila na hindi lahat ng error ay gawa ng DepEd.

Handa umano silang makinig sa DOJ sa mga finding ukol sa mga malisyosong material na isinisisi sa kanila.

“Tini-trace namin, the person does not exist and so on and so forth. So that is already outside the regulatory mandate of the Department of Education and we have sought the advice of the Secretary of Justice on this matter,” aniya.

Ayon naman kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, ilang bahagdan lang ng 800,000 pahina ng modules na ginawa ng DepEd ang narebisa ng departamento na nagtataglay ng errors.

“Kapag mayroong mga nakikitang mali talaga ay nag-i-issue tayo ng errata o erratum at iyon pong mga seryosong pagkakamali ay ongoing po iyong pag-iimbestiga at pag-aalam kung bakit nangyari iyon,” aniya.

“May mga proseso naman po ang Kagawaran para mabigyan ng sanction if ever kung mapatunayan na iyon pong pagkakamali ay deliberate o talagang ginawa niya iyon para maging mali o mai-promote kung ano man iyong kanyang sariling paniniwala,” dagdag pa nito.

Sinabi ni San Antonio na plano nilang mag-tap ng ‘third party evaluators’ para mabawasan ang errors sa self-learning modules. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...