DepEd nakiisa sa Filipino Values Month

DepEd nakiisa sa Filipino Values Month

November 13, 2022 @ 1:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakiisa ang mga paaralan sa pamamagitan ng Department of Education sa paggunita ng Filipino Values Month ngayong Nobyembre.

Matatandaan na itinakda sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 479 na nagtatalaga sa buwan ng Nobyembre ng bawat taon ang Filipino Values Month na pinirmahan ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Oktubre 25, 1994.

Layon nito ay “create moral awakening and national consciousness on human values that are unique, genuine, and positively Filipino.”

Ang tema ng DepEd sa selebrasyon ng National Values Month ay ang “Magagandang Kaugaliang Pilipino: Isabuhay at Pagyamanin Tungo sa Matiwasay at Maunlad na Kinabukasan.”

“This year’s them focuses on how Filipino values can be strengthened and exercised in the life of each Filipino that can contribute to nation-building and achievement of individual and national goals,” ayon sa DepEd.

Kasabay ng selebrasyon ngayong buwan, hinihikayat ng DepEd ang lahat ng mga paaralan na isama ang mga aralin sa Filipino values hindi lamang sa Edukasyon Pagpapakatao (EsP) kundi maging sa iba pang asignatura.

“The DepEd offices regional, division, district, and school levels in collaboration with other stakeholders may create campaign and advocacy materials anchored on the theme to increase awareness among learners and community people,” dagdah pa ng ahensya. RNT/JGC