DepEd official sa S.Y 2020-2021: Hindi nasayang

DepEd official sa S.Y 2020-2021: Hindi nasayang

July 10, 2021 @ 10:51 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Ipinaabot ng Department of Education (DepEd) ang pagbati sa mga guro, estudyante, at magulang sa pagtatapos ng school year (SY) 2020-2021 ngayong Hulyo 10.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Usec. Nepomuceno Malaluan, chief of staff ng Office of the Secretary, ang nagdaang school year ay “very challenging” na nakumpleto via distance learning.

“Natapos natin despite the many challenges that we had to face, the short period of time that we had to shift into this form of learning. It is a year that was not wasted, as other might have wanted us to really just take a standstill for the last school year. So we congratulate our parents, learners, and teachers,” lahad pa ni Malaluan.

Paliwanag pa nito, pinag-aaralan ng ahensya ang pagbabawas ng pagdepende sa printed modules.

“We had no choice but to combine learning resources that have gone through the complete quality assurance process and allow also that to be complemented by the learning resources developed at the field unit,” paliwanag pa ni Malaluan.

“At nakita naman natin na may mga nakakalusot, na may mga quality assurance issues, errors, etc. We believe that the time that we’ve spent last year and the remaining probably couple of months, within which we can still address this will mean that we will be able to put in place tighter quality assurance on our learning resources.”

“Malaki iyong karanasan ng mga guro natin sa pag-monitor ng pag-aaral ng mga bata at paano iyan ina-assess. At iyan ay we are consolidating so that it can better inform our adjustments in the policies for the incoming school year,” dagdag nito. RNT/FGDC