DepEd: Pagbubukas ng klase sa Agosto 22 tuloy kahit sa quake-hit areas

DepEd: Pagbubukas ng klase sa Agosto 22 tuloy kahit sa quake-hit areas

August 2, 2022 @ 10:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes na tuloy ang pasukan sa Agosto 22, kahit sa mga lugar sa northern Luzon, kabilang ang lalawigan ng Abra, na tinamaan ng magnitude 7 na lindol nitong Hulyo 27.

“The direction is that there will be no delay in the opening of classes. Just alternative delivery mode for certain areas,” ani DepEd spokesperson Michael Poa.

Ito ang naging pahayag ni Poa kasunod ng assessment ng DepEd sa sitwasyon at kapabilidad ng quake-damaged schools na muling magbukas ng klase.

Subalit, nilinaw niya na ang desisyon ay para lamang sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22 dahil 451 silid-aralan ang napinsala ng Luzon quake.

“Right now, the discussion on this was confined to the August 22 opening of classes. We will monitor the situation thereafter. The thrust is to still implement full in-person classes starting Nov 2,” aniya.

Sa te kickoff event ng Brigada Eskwela sa Imus Pilot Elementary School sa Imus, Cavite nitong Lunes, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na sinisilip ng DepEd is ang P1.4 bilyong halaga ng recovery at reconstruction fund.

“Hindi pa nga natin naayos at natapos ang destruction ng isang kalamidad, dumating na naman ang isang kalamidad. And we need more than PHP18 billion, excluding the PHP1.4 billion of damage from the Abra earthquake to get ourselves out of the quicksand of this year and last year. It does not include the things, or the repairs that we have to do from 2016,” ani Duterte.

Sualit, sinabi ni Poa na hindi pa pinal ang halaga, dahil pinaplano pa ng departmento na mag-request ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

“We’re really assessing the situation on the ground, and we’re looking at options, and one is the temporary learning spaces which we can build, so of course, that would also entail funding and will depend on how many were destroyed, because every day the amount changes,” sabi niya.

Inilahad din ni Poa na kinokonsidera ng DepEd na magtayo ng “temporary learning spacessa mga lugar na labis na napinsala ng lindol sa Abra. RNT/SA