DepEd: Paghain ng kaso sa pricey laptop, OSG na bahala

DepEd: Paghain ng kaso sa pricey laptop, OSG na bahala

February 21, 2023 @ 10:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop.

Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon Committee. Ito’y may kinalaman ukol sa pagbili ng laptop ng DepEd sa pamamagitan ng Procurement Service – Department of Budget and Management o PS-DBM noong 2021.

“The filing of cases against past and present officials of the DepEd, as recommended by the Senate Blue Ribbon Committee, will be referred to the Office of the Solicitor General (OSG) for evaluation and appropriate action,” ayon kay Poa.

Tiniyak din ni Poa na kagyat na kumilos ang DepEd laban sa mga opisyal at tauhan na di umano’y sangkot sa nasabing usapin.

“There is a pending administrative case against one DepEd employee involved in the procurement,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, nauna nang inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong graft laban sa ilang incumbent at dating opisyal ng DepEd at PS-DBM bukod pa rito ang mga kasong falcification of public documents at perjury,

Samantala, tinitingnan din ng DepEd ang napaulat na may isa pang set ng laptops ang ibinenta sa Cebu.

“The department is now coordinating with relevant law enforcement agencies to apprehend the perpetrators,” ayon kay Poa.

Kinumpirma naman ng DepEd ang napaulat na pagbebenta ng laptops sa isang surplus store, orihinal na binili para sa DepEd Computerization Program. Kris Jose