DepEd pumalag sa alegasyong korapsyon ni Pacquiao

DepEd pumalag sa alegasyong korapsyon ni Pacquiao

May 9, 2022 @ 10:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinita ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.”

Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation.

Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec Pilipinas Forum 2022 na in-ere noong Mayo 6, ginawang halimbawa ni Pacquiao na may isang DepEd official na di umano’y nagde-demand ng illicit payments, subalit tumanggi naman ito na pangalanan.

“As a public servant, the good senator has every right, legally and morally to assail and put to question whatever wrongdoing, any person or instrumentality of the government for that matter in his quest to eradicate graft and corruption in the bureaucracy,” ayon sa DepEd.

Ang departamento, sa kabilang banda, ay nagpahayag na hindi dapat kondenahin ni Pacquiao ang buong ahensiya.

“While there might still be bad eggs within the organization, the leadership of the Department has seen fit to charge these known implicated and remove those found guilty. It is not, therefore, the time to condemn the whole institution,” ayon pa sa ahensya. Kris Jose