DepEd sa mga empleyado: Mag-bike to work

DepEd sa mga empleyado: Mag-bike to work

September 23, 2022 @ 11:37 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Education ang mga manggagawa partikular na ang mga nasa pamahalaan na subukan ang bisikleta na alternatibong paraan upang makapasok sa trabaho.

Ito ang sinabi ng Kagawaran sa pamamagitan ni DepEd Undersecretary Kris Ablan sa isang panayam kasabay ng World Car Free Day na ipinagdiwang kahapon, Setyembre 22.

“I biked to work this morning, and we also encouraged DepEd employees to ditch the car today, and hopefully start a habit of biking to work… We’re not saying that we should ditch the car every day, but during trips that are five kilometers away, malapit lang pwede naman mag-bike, ‘wag na tayo dumagdag sa traffic pa,” ani Ablan.

Isa o higit pang beses kada linggo rin ay nagbibisikleta siya papasok sa kanyang opisina sa DepEd Central Office sa Pasig City.

Upang mas mahikayat pa ang mga empleyado na mag-bisikleta ay ipinaayos rin ng DepEd Central Office ang kanilang mga establisyimento pabor sa mga ito katulad na lamang ng bike racks, bike ramps, repair stands at libreng shower sa mga biker.

“We were able to do it… Hopefully from the central office, we can trickle it down to our schools here in Metro Manila, and in other areas where biking is a form of transportation,” pagtatapos ni Ablan. RNT/JGC