DepEd sa mga guro: ‘Wag tambakan ng gawain ang studes



DepEd sa mga guro: ‘Wag tambakan ng gawain ang studes

October 13, 2020 @ 8:07 AM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na huwag tambakan ng gawain ang mga estudyante sa umiiral na distance learning.

“Nauunawaan po natin ‘yan [sobrang aralin]. Magre-remind po tayo officially na kailangan yatang mag-synchronize. Meron na po kaming suggestion sa kapag homework na hindi sabay-sabay na mayroon,” ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio.

“Tantsahin lang,” dagdag nito.

Aniya, dapat bigyan ng sapat na oras at makatwirang deadline ang mga mag-aaral upang matapos ang mga gawaing ibibigay ng guro.

“Kung ano lang ang kaya ng bata, ‘yun lang muna. Hindi naman ito panahon na dapat super higpit tayo sa mga kung ano-anong ginagawa natin,” giit nito. RNT/ELM


  •  
  •  
  •