DEPED: School Year 2022-2023 aarangkada sa Agosto 22

DEPED: School Year 2022-2023 aarangkada sa Agosto 22

July 12, 2022 @ 2:48 PM 1 month ago


MANILA, Pilippines- Inanunsyo ng Department of Education (DepEd)nitong Martes na magbubukas ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22 at matatapos sa Hulyo 7, 2023.

Sa inilabas na shool calendar, sinabi ng DepEd na papayagan lamang ang mga paaralan na magpatupad ng blended learning schedules at full-distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.

Simula Nobyembre 2, lahat ng pribado at pampulikong mga paaralan ay dapat nang magkasa ng limang araw na in-person classes.

“After the said date, no school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning except for those that are implementing Alternative Delivery Modes,” pahayag nito.

Gayundin, base sa DepEd, magkakaroon ng kabuuang 203 school days, na limitado laang sa academics at kaugnay na co-curricular activities. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng extra-curricular activities. RNT/SA