14 pasahero ng tumaob na motorbanca, nasagip

August 8, 2022 @2:48 PM
Views:
0
MANILA, Philippines- Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Maimbung sa pagsagib sa 14 pasahero ng tumaob na motorbanca sa karagatan sakop ng Maimbung Pier, Sulu.
Ayon sa PCG, nakipag-ugnayan ang 41st Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa coast guard hinggil sa distress call ng pasahero na humihiling ng agarang rescue.
Kinilala ang naturang pasahero na si Haber Munap, 35, residente ng Indanan, Sulu.
Sinabi nito sa mga awtoridad na sakay ng motorbanca ang 14 pasahero kasama ang boat operator kung saan anim ang bata.
Umalis umano ang motorbanca mula Tapul, Sulu patungong Maimbung, Sulu pero habang naglalayag ay nakaranas ng masamang panahon na dahilan para lumubog ang sinasakyang banca.
Agad na nagsagawa ng rescue operation ang joint search and rescue (SAR) team at matagumpay na nasagip ang mga pasahero.
Itinurn-over naman sila sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at Regional Health Unit (RHU) ng Maimbung para sa medical assistance.
Samantala, hinila naman ang tumaob na motorbanca para sa kaligtasan at isinuko sa Maimbung LGU para sa tamang disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Botika ng Bayan, binuksan sa publiko

August 8, 2022 @2:48 PM
Views:
0
MANILA, Philippines- Ligtas at libreng mga gamot para sa mga mahihirap na pasyente ang abot kamay na ngayon makaraang binuksan sa publiko ng Department of Health (DOH) ang Botika ng Bayan (BNB) sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon)
Ayon kay Regional Director Ariel Valencia, malaking tulong sa mga residente sa malalayong lugar ang pagbubukas ng BNB sa mga walang kakayahan na bumili para sa pangangailangang medikal at maintenance drugs
“This Botika ng Bayan will significantly help our residents here, particularly patients who lack the financial resources to buy necessary medications or maintenance drugs. We will continue to strengthen our cooperation with the pharmaceutical companies for them to put up their medicines here for the benefit of the community,” ayon kay Director Valencia.
Pinasalamatan naman ni Valencia ang suporta ng government at private sectors sa pagpapatayo ng mga community pharmacies, particularly sa mga liblib na lugar sa rehiyon.
Kabilang sa mga gamot na maaring makuha mula sa BNB ay mga Vitamins, micronutrients, antacids, paracetamol, antibiotics, topical ointments, anti-thrombotic, anti-inflammatory, antihyperlipidemic, anthelmintic, at hypoglycemic.
Lahat ng mga gamot sa BNB ay libre subalit kinakailangan lamang na magdala ng reseta na galing sa isang doktor.
Kabilang sa mga lugar na bukas ang BNB ay sa Tingloy sa Batangas; Sta. Maria sa Laguna; Mauban at Quezon sa Quezon; Magallanes at Trece Martires City sa Cavite. Jocelyn Tabangcura-Domenden
2 vendor niratrat sa Carriedo

August 8, 2022 @2:39 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Nagsasagawa ngayon ng dragnet at backtracking operation ang Manila Police District (MPD) sa isang lalaki na nakabaril at nakapatay sa dalawang vendor sa Sta. Cruz, Manila.
Sa ulat, kinilala ang mga nasawi na sina Marlon Tan y Buco, 42, nakatira sa 850 Gonzalo Puyat St., Quiapo, Maynila at Jimmy Lingat y Santos, 52, married, ng 318 P. Gomez St.,sa nasabi ding lugar.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa kahabaan ng P Gomez St. kanto ng Carriedo St., Quiapo bandang alas-7 ng umaga kahapon.
Natukoy lamang ang tumakas na suspek na nakasuot ng Grab food shirt at malaki ang pangangatawan sakay ng motorsiklo.
Ayon sa testigo na si Doroteo Lingat na isa ring vendor sa lugar, nag-aayos ito ng kanyang paninda nang makita ang suspek na dumating mula sa Palanca St.
Bumaba ito sa kanyang motorsiklo saka pinaputukan si Tan na noo’y abala sa paghahanda ng kanyang panindang garments.
Matapos barilin si Tan ay sumunod namang pinaputukan si Lingat na noo’y nag-aayos din ng kanyang paninda.
Nang maisakatuparan ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek sa direksyon ng Rizal Avenue (Northbound) sakay pa rin ng kanyang motorsiklo.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Globe, Smart inihabla ng DITO

August 8, 2022 @2:34 PM
Views:
11
MANILA, Philippines- Inakusahan ng duopoly challenger na DITO Telecommunity ang dominant operators nitong Lunes matapos maghain ng kaso sa Philippine Competition Commission (PCC) sa umano’y anti-competitive practices sa kanilang interconnection deals.
Sa isang briefing, sinabi ng mga opisyal ng DITO na ang Globe Telecom at PLDT/Smart ay “not very compliant” sa ligal na mandato na i-interconnect ang lahat ng telco carriers sa market.
“It has become very difficult for our subscribers to interconnect with Globe and Smart,” pahayag ni DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano.
Bago ang commercial launch nitong Marso 2021, nakumpleto ng DITO ang interconnection ng network nito sa dalawang industry giants. Ito ang nagbibigay-daan para makapagpadala ng mensahe ang mobile subscribers ng DITO at makatawag sa mga user ng Smart at Globe.
Sinabi ni DITO Chief Technology Officer Rodolfo Santiago na mula sa 100 tawag mula sa DITO sa Globe at Smart, 20 hanggang 30 tawag lamang ang nakakapasok.
Sinabi pa ni Tamano na napilitan silang magsampa ng kaso, at iginiit na inaabuso ng dalawang telco ang kanilang dominance sa market “ang hinder our growth.”
“They’re giants. Our market share for the entire market is at most five percent. There would be no question who is in the dominant position,” ayon kay Tamano.
Base kay Tamano, ang market share ng DITO ay dapat na “much, much higher if interconnections were okay.”
Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang Globe at PLDT ukol dito. RNT/SA
Higit 35K kabahayan nawasak sa Abra quake – NDRRMC

August 8, 2022 @2:20 PM
Views:
14