DepEd TV workers nagrereklamo na sa delayed compensation

DepEd TV workers nagrereklamo na sa delayed compensation

March 3, 2021 @ 7:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dumaraing na Media practitioners na nagtatrabaho sa TV lessons ng  Department of Education (DepEd) dahil sa delayed compensation at umano’y hindi pa natatanggap na full payment sa trabaho buhat noong September 2020.

Sa ulat, ang DepEd tapped Ei2 Tech ay production company na pagmamay-ari ng broadcast journalist na si Paolo Bediones.

Noong Marso 2, nagtipon umano ang media workers na pawang galing sa executive producers (EP) ng Ei2 Tech para sa isang virtual press briefing kung saan ipinanawagan ang kanilang sweldo.

Sa ulat ng Rappler, sinabi ni Erri Rojo, isa sa EPs na pinangakuan silang matatanggap nila ang kanilang sweldo sa Disyembre18, 2020 ngunit hindi natupad.

Isa si Rojo at 14 iba pa na natanggal sa kompanya makaraang magpadala sila ng liham kay Bediones na humihingi ng eksplanasyon tungkol sa isyu.

“Nagalit sa amin si Mr Paolo Bediones.. Nag reply sa amin si Mr Paolo Bediones pero hindi sagot sa tanong namin. Ang ginawa niya pa ay tinakot nya kami. Sasampahan nya raw kami ng libel. Bakit raw lumabas sa Pilipino Star Ngayon ang letter namin. Kami pa raw ang nanggigipit sa kanya,” kwento pa nito.

Pinangakuan aniya sila ng sweldong P60,000 kada buwan ngunit kinalaunan ay sinabing magiging P3,750 na lang ang sasahurin kada TV episode.

“I sent Ei2 Tech a notarized Statement of Account to serve as billing for our team. Paolo dismissed it and actually threatened me and my friends [teammates] with a libel lawsuit.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •