DepEd: Walang utos sa pagrebyu ng out-of-town trainings ng teachers

DepEd: Walang utos sa pagrebyu ng out-of-town trainings ng teachers

November 8, 2022 @ 10:02 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education na walang utos na busisiin ang patakaran ng kagawaran ukol sa mga guro na nagsasagawa ng out-of-town training at seminar.

Ang paglilinaw ni DepEd spokesperson Michael Poa ay kasunod ng pagkamatay ng isang guro mula sa aksidente sa bus sa Bataan na dumausdos sa isang bangin.

“Ang klaro lang po sa both policies is allowed ang out-of-town trainings, ang out-of-town seminars. Ito ay hindi kakaiba sa DepEd, ito ay pinapayagan din sa ibang ahensya ng gobyerno,” ani Poa na tinutukoy ang saDepartment Order (DO) 32, series of 2011; at DO 66, series of 2017.

“We’ll let you know once there is any decision made if there is a need to revisit our policy. Sa ngayon, wala pa po [so far, there is nothing],” paglilinaw niya.

Nitong Sabado nang aksidenteng mahulog ang bus na lulan ang nasa 48 pasahero na pawang mga guro ng pampublikong eskwelahan sa Quezon City. Dumalo ang mga ito sa isang Gender and Development activity sa Orani, Bataan.

Idineklarang dead on arrival sa Orani District Hospital ang isang guro ng Payatas B Elementary School na si Janice Pontillas dahil sa aksidente, habang nasa 26 guro ang sugatan. RNT