Depensahan ang demokrasya, panawagan ng pangulo

Depensahan ang demokrasya, panawagan ng pangulo

June 12, 2018 @ 1:30 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na tularan ang kabayanihan ng ating mga ninuno sa gitna ng paglaban sa korapsyon, droga at kriminalidad.

Sa kanyang mensahe para sa selebrasyon ng 120th Independence Day, hinimok nito ang mga Pinoy na magkaisa gaya ng ipinamalas ng mga bayani ng bansa para sa pangmatagalamg pagbabago sa mga pamayanan.

Nanawagan rin ang punong ehekutibo na depensahan ang demokrasya ng bansa sa gitna ng kinahaharap na mga pagsubok. (Remate News Team)