Deployment ban sa healthcare workers, tanggalin na – solon

Deployment ban sa healthcare workers, tanggalin na – solon

June 29, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umapela si Albay Rep Joey Salceda kay Incoming Labor chief Bienvenido Laguesma at Migrant Workers secretary Susan Ople na tanggalin na ang deployment ban sa healthcare workers at iba Pang overseas jobs kasunod na rin ng pagbaba ng palitan ng piso sa dolyar na umabot na sa P55.

Ayon kay Salceda, chairman ng House ways and means Committee na kung ang palitan ng piso ay mababa ang pinakamainam na gawin ng bansa ay kumita ng mas mataas na foreign currency.

“There is no easier way to do that, in our case, than to allow OFWs to work wherever they wish. Labor mobility is a human right, after all. And in this case, it’s good economics, too.I appeal to Secretary Laguesma and to Secretary Ople just lift the deployment bans. It’s contrary to sound social policy. It’s also bad economic policy,” paliwanag ni Salceda.

Sinabi pa ni Salceda na sa kanyang pakikipagusap kay incoming Bangko Sentral ng Pilipinas governor Felipe Medalla na para makaagapay ang bansa sa pagbaba ng piso ang dapat na gawin talaga ay mas kumita ng mas maraming dolyar at magagawa ito kapag mas maraming OFW ang makakapagtrabaho abroad kung saan makakatulong din sa kanilang pamilya.

“That way, the depreciation benefits the economy. It’s not something that scares me. Depreciation has been national policy in so many of our export-oriented neighbors.OFWs should have the right, barring obvious security and legal reasons, to work wherever they think will help them and their families. It so happens to be good economics, too,” dagdag pa ni Salceda.

Samantala iginiit ni Salceda na ang polisiya na pagsuspinde sa deployment ng healthcare workers ay maitutiring din na failure.

“Imagine forcing health care workers to stay at home and just suck it up if they have complaints about low pay here. If the point is to keep them during a health emergency, the best way is to pay them right.Besides, if you don’t pay them enough, they won’t work for our hospitals. They’ll just stay at home. So, as a policy, it’s set for failure,” ani Salceda.

Matatandaan na nagpatupad ng deployment cap ang pamahalaan sa mga healthcare workers para makatulong ito sa bansa matapos lumobo ang kaso ng COVID cases, sa ngayon ang deployment cap ng mga healthcare workers ay nasa 7,000 lamang.

Subalit hindi naman umubra ang deployment ban dahil maraming nursing graduates ang hindi namasukan sa mga government at private hospitals bagkus may ninais na magtrabaho sa call centers kung saan mas mataas ang pasahod at mas mababa ang health risks.

Nabatid na ang bansa ay may kakulangan na 92,000 physicians, 44,000 nurses, 19,000 medical technologists, 14,000 pharmacists at 17,000 radiologic technicians at radiologic technologists dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Nursing Act of 2002, ang minimum base pay ng nurses ay grade 15 o P33,575 kada buwan subalit may mga ospital na nagpapasahod ng P21,000 habang 4 hanggang 5 beses na mas mataas dito ang pasahod sa abroad. Gail Mendoza