Deployment ban sa KSA aalisin na

Deployment ban sa KSA aalisin na

September 14, 2022 @ 6:55 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos ang mahabang negosasyon sa pagitan ng opisyal ng Pilipinas at Saudi Arabia, aalisin na ang deployment ban sa nasabing bansa sa Nobyembre 7, 2022 , ayon sa Deparment of Migrant Workers (DMW).

Kasamang nakipagpulong kay Saudi Minister of Human Resources and Social Development Ahmad Bin Sulaiman Al-Rajhi at mga opisyal nito si DMW Secretary Susan Ople at iba pang opisyal ng ahensya.

Nakatakda namang makipagpulong ang DMW sa mga recruitment agencies sa bansa.

Bukod dito, palalakasin din ang koordinasyon sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA upang masiguro na may sapat na kasanayan ang mga manggagawang ipapadala sa KSA .

Matatandaan na ipinatupad sa liderato ni dating labor Secretary Silvester Bello III ang deployment ban sa KSA dahil sa usapin ng pang-aabuso sa mga domestic workers.

Gayundin ang hindi pagbabayad ng backwages ng nasa 9,000 OFWs na umaabot sa P4.6 bilyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden