Deployment cap ng healthcare workers sa 2022, tinaasan ng POEA

Deployment cap ng healthcare workers sa 2022, tinaasan ng POEA

February 1, 2022 @ 9:16 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tinaasan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang taunang annual overseas deployment cap para sa newly hired healthcare workers.

Mula 6,500, ngayong ay 7,000 na ito, dagdag pa ng POEA.

Ang pagtaas ng deployment quota ay bunsod na rin ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sa abiso ng POEA ang mga nars na napaso ang mga visa noong Disyembre 31, 2021 ay isasaprayoridad.

Papayagan na ring makaalis ang HCWs na nabigyan na ng Overseas Employment Certificates (OEC) o exit clearance.

Ang mga healthcare worker sa ilalim ng government-to-government labor agreements tulad ng sa Germany at Balik Manggagawa ay hindi naman kasama sa bilang ng deployment cap.

Matatandaang ipinatutupad ang pansamantalang deployment cap ng HCWs sa Pilipinas sa gitna na rin ng pagsisiguro na mayroong sapat na tutugon laban sa pandemya. RNT