Deployment cap ng mga nars tataasan ni PBBM

Deployment cap ng mga nars tataasan ni PBBM

September 1, 2022 @ 2:09 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Huwebes na tataasan o dadamihan niya ang mga pinadadalang Filipino nurse sa ibang bansa.

Inilarawan ni Marcos ang mga Pilipinong nars bilang isa sa mga pinakamahusay sa mundo, at kinilala niya rin ang mga sakripisyo at hamon na kailangan nilang tiisin para lamang makapaglingkod sa publiko sa panahon ng pandemya.

“As we work hard to improve the state of our health care system at home let us join hands to maintain our country’s position as the gold standard when it comes to providing health care workers to hospitals and health facilities globally,” anang Pangulo sa 100th founding celebration of the Philippine Nurses Association in Manila.

“We will open more slots to the deployment of nurses abroad while striving to improve opportunities domestically,” pagsisiguro pa nito.

Matatandaang noong kasagsagan ng pagsisimula ng pandemya ay nilimitahan ng gobyerno sa 7,500 ang deployment cap para sa mga health worker na paaalisin papuntang ibang bansa.

Sinabi ni dating POEA administrator Bernard P. Olalia noong Hunyo ng taong ito, 2,000 health workers na lamang ang na-deploy sa ibang bansa, malayo sa 7,500 na limitasyon.

Samantala, nangako rin ang Pangulo na tutugunan ng gobyerno ang disparidad ng suweldo sa pagitan ng pribado at pampublikong ospital at ang “uneven distribution of nurses” sa iba’t ibang bahagi ng bansa. RNT