Deportation sa Japanese fugitives target sa susunod na linggo – DOJ

Deportation sa Japanese fugitives target sa susunod na linggo – DOJ

February 3, 2023 @ 4:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng pamahalaan na ipa-deport na sa susunod na linggo ang mga puganteng Hapon na sangkot sa serye ng nakawan sa Japan.

Ito ang ibinahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Pebrero 3 kung saan dalawa sa apat na Japanese nationals ay cleared na sa lahat ng pending cases ng mga ito sa bansa, habang ang dalawa ay may tig-isa pang kaso.

“And then the other ones will be heard on Tuesday morning and we expect to start deporting by next week,” ani Remulla.

Aniya, nasa 10 hanggang 11 kaso ang inihain laban sa mga pugante, kung saan pito dito ang nabasura.

“So maybe three more cases to go. But at least in the one week we’ve been doing it, we’ve been able to move forward with the process of deportation,” sinabi pa ni Remulla.

Hindi naman nito tiyak kung ipapa-deport na ang mga ito sa Lunes o sa Martes, ngunit tiyak nitong sisimulan ito sa susunod na linggo.

“Whatever date is, when we’re ready, when the tickets are there, when the escorts are there, then we start deporting because they have to be escorted back to Japan,” aniya.

Nauna nang hiniling ng Japan sa Pilipinas na pauwiin na ang apat ng mga mamamayan nito na sangkot sa serye ng mga nakawan sa nasabing bansa.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Remulla na hindi agad-agad mapauuwi ng bansa ang sinumang may pending criminal case pa. RNT/JGC