Deputy Ombudsman Carandang, sinibak ng Malacañang

Deputy Ombudsman Carandang, sinibak ng Malacañang

August 1, 2018 @ 12:34 PM 5 years ago


Manila, Philippines  – Tuluyan nang sinibak ng Malacañang si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa umano’y paglalabas ng mga bank transaction ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.

Sa ibinabang kasulatan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay dahil paglabag sa graft and corruption and betrayal of public trust.

“Carandang’s transgressions… constitute graft and betrayal of public trust, which gravely affect his fitness to remain in public office,” ayon sa Palasyo.

Bukod sa pagpapatalsik kay Carandang, kanselado na rin ang eligibility nito at disqualify sa anumang posisyon sa government office.

Hindi na rin makatatanggap ng retirement benefits ang opisyal at hindi na maaaring kumuha ng civil service examinations.

Noong nakaraang taon ay naghain ng reklamo ang sina Atty. Manuelito Luna, Jing Paras, Glenn Chong ng Volunteers Against Crime and Corruption laban kay Carandang dahil sa pahayag sa isang interview kung saan isiniwalat niya ang laman ng bank account ng Pangulo.

Sinabi ni Carandang na nakuha niya ang dokumento sa anti-money laundering council pero ayon sa AMLC, hindi pa ito naglalabas ng report sa Ombudsman at kailangan pang pag-aralan ang request sa imbestigasyon.

Bukod kay Carandnag kasama rin sa inireklamo si Deputy Ombudsman for Minadanao Rodolfo Elman na inabswelto rin dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya. (Remate News Team)