Deputy Speaker Hataman, asawa positibo sa COVID-19

Deputy Speaker Hataman, asawa positibo sa COVID-19

August 1, 2020 @ 3:08 PM 3 days ago

Share

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Deputy Speaker at Basilan Representative Mujiv Hataman na sila ng kanyang asawang si Isabela City Mayor Sitti Djalia “Dadah” Turabin-Hataman ay nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ay nakumpirma makaraang ianunsyo ni Hataman sa Facebook post.

“Nitong nakaraang Huwebes, dahil sa inakala naming karaniwang ubo, nagpasya kami ng maybahay kong si Mayor Dadah na magpatest para sa COVID-19,” aniya sa caption.

“Bumalik na ang resulta. Positive kami pareho.”

Na-test na rin aniya ang kanyang mga anak at iba pang kasama sa bahay ngunit hindi pa nailalabas ang resulta.

“Hinihintay din namin ang resulta ng mga test sa aming mga anak at sa lahat ng kasama namin sa bahay dito sa Basilan,” lahad pa ng mambabatas.

Kasalukuyan namang naka-quarantine ang mag-asawa.

“Kami ay kasalukuyan nang nag-quarantine, at nakagawa na rin ng mga hakbang upang gawing mas ligtas ang aming tahanan.”

“Nagpapatupad na rin ng mas mahigpit na health protocols para ma-contain na ito at masiguradong hindi na tumawid pa palabas ng aming pamilya ang sakit,” paliwanag pa ni Hataman.

“Maingat at mahigpit kaming sumunod sa safety measures. Pati na rin sa sino mang nakakasalamuha namin dito. Pero heto pa rin ang aming situwasyon. Tunay nga: Sa ganitong mga panahon, magkakarugtong ang kalusugan at kapalaran nating lahat.”

Samantala, humingi naman ng panalangin si Hataman ng kaligtasan para sa lahat laban sa virus.

“Dalangin namin ang kaligtasan ng lahat. Sama-sama din sana nating ipanalangin ang agarang tagumpay ng bansa laban sa pandemyang ito. Stay safe at maraming salamat.” RNT/FGDC

Share

Comment (1)

  • ปั้มไลค์ Reply

    Like!! I blog frequently and I really thank you for your content. The article has truly peaked my interest.

    August 1, 2020 at 3:20 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...