Derek at Ellen, hindi nagligawan, kumpirmadong mag-jowa na!

Derek at Ellen, hindi nagligawan, kumpirmadong mag-jowa na!

February 27, 2021 @ 9:15 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kapwa tinuldukan na nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mga ispekulasyon na may kinalaman sa status ng kanilang relasyon.

Kumpirmado: isang buwan nang magkarelasyon ang dalawa.

Matatandaang January 11 noong mag-treat ng private dinner si Derek sa kanyang tahanan sa Ayala Alabang sa ilang cast members ng “John & Ellen,” sitcom na kinabibilangan nina Ellen, John Estrada at iba pa.

Mula noon ay napapadalas na ang bonding nina Derek at Ellen dito man o sa ibang lugar, dahilan para isiping “more than neighbors” ang namamagitan sa kanila.

Pero nitong February 26, parehong inamin nina Derek at Ellen na isang buwan nang ongoing ang kanilang relasyon.

“One month feels like one year,” paglalarawan ni Ellen na agad daw nag-exude ng spark sa unang pagkakataong nakita ng Fil-Brit actor.

Pero paliwanag ni Derek, walang pormal na ligawang nangyari. Isang espesyal na uri daw ‘yung sa kanila ng Cebuana actress. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •