Derek, inaming si Ellen lang ang ginustong pakasalan, na-bash!

Derek, inaming si Ellen lang ang ginustong pakasalan, na-bash!

January 12, 2022 @ 5:19 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Ginigil ni Derek Ramsay ang social media world matapos sabihing si Ellen Adarna lang ang babaeng ginusto niyang pakasalan sa lahat ng mga naging babae nito.

Tanong ng netizen “Sa lahat ng naging babae mo, how do you know that Ellen is the one for you?”

“Of all the women I’ve been with, she’s the only one I wanted to marry,” deretsahang sagot ng aktor.

Netizens found it disrespectful sa mga naging ex ni Derek lalo na anila kina Andrea Torres at Solenn Heusaff.

“Hindi naman niya kailangang bastusin ang ex para ma-satisfy si Ellen”, “Jusko, very disrespectful”, “Matitino rin naman sila Solenn at Andrea, ah”, “Huh? Eh diba nagpropose ka pa nga kay Andrea Torres?!” ilan sa mga comment ng netizens na mukhang triggered.

Bakit nga ba nasabi ito ni Derek gayong na-engage nga naman sila ni Andrea noon?

Abangers ngayon ang netizens if ever man na bigyan sila ng sagot ng aktor. Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio