Derek, turned-off sa pagiging burara ni Ellen?

Derek, turned-off sa pagiging burara ni Ellen?

July 15, 2021 @ 9:14 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Technically, masasabing nagli-live in na ang soon to be married na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Bagama’t magkapitbahay lang sila sa Ayala Alabang ay sa bahay ng Fil-British actor naglalagi ang Cebuana actress.

Short of preparing for their marital life, at home na silang dalawa in each other’s company sa iisang bubong.

‘Yun nga lang, may tsikang kumakalat na kung maayos at metikuloso si Derek sa bahay ay siya raw kabaligtaran ni Ellen na umano’y makalat sa gamit at burara.

Kung nakagawian na raw ayusin ni Derek ang kanyang higaan pagkagising, pinababayaan lang daw ni Ellen na nakabuyangyang ang kamang tinulugan nila.

May mga dumepensa naman kay Ellen na nagsasabing nasanay daw kasi ito sa marangyang buhay in her native Cebu na laging may nakasunod na yaya o kasambahay na siyang tagaligpit ng mga kalat niya.

Dasal ng mga netizens, huwag sanang dumating ang panahon na ma-turn off si Derek kay Ellen sa pagiging burara nito sa bahay. Ronnie Carrasco III