Derrick, nagpaliwanag sa love scene nila ni Elle!

Derrick, nagpaliwanag sa love scene nila ni Elle!

September 15, 2022 @ 11:40 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Paano kaya ang ginawa nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva ang mga sexy love scenes nila sa Kapuso afternoon serye na Return To Paradise nang hindi sila natatangay sa kanilang emosyon?

“We think of the emotion and the journey of the character,” sey ni Derrick.

Ibinahagi pa ni Derrick kung paano nila ginawa ni Elle ang mga sexy scenes.

Ayon sa hunk actor, iniisip lang nila ang emosyon at pinagdaanan ng kanilang mga karakter sa tuwing sila ay may mainit na eksena.

“Kami kasi ni Elle, when we do sexy scenes, we don’t think of what we’re going to look like, we think of the emotion and the journey of the character kasi ‘yun ‘yung pinaka-importante for us. Kung ano ‘yung mapi-feel namin as Red and Yenyen habang ginagawa namin ‘yung scene,” kuwento niya sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel.

Patuloy niya, “Hindi namin naiisip na kailangan ganito ‘yung angle ng face, kailangan ganito ‘yung ano para mas mukha siyang sexy. Kung ano ‘yung napi-feel namin deep inside, nilalabas lang namin sa isa’t isa.”

Tinanong naman ni Pia kung paano binabalanse ng dalawa ang paggawa ng mga eksena sa sexy na paraan, sa kabila ng pagpapalabas nito sa daytime timeslot.

 Ayon kay Elle, ‘Yung sa role ko po kasi, she’s not sexy. I mean, [not] in way na dapat seductive kasi wholesome pa rin ‘yung character ko. Medyo nababalanse siguro dahil din do’n. Hindi siya todo-bigay, but there’s these steamy scenes na ginawa namin sa isla at gagawin pa.” Mercy Lejarde