Desisyon ng Comelec, hiling matuwid ng Negrosanon sa SC

Desisyon ng Comelec, hiling matuwid ng Negrosanon sa SC

October 8, 2022 @ 2:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – UMAASA ang mayoryang mamamayan ng Negros Oriental na masagip ng Korte Suprema ang nasimulang magandang pagbabago sa kanilang probinsya.

Pagpapakita ng Negrosanon ng supporter kay Gov. Teves

Dahil sa naunang pag-pabor ng Commission on Election (Comelec) sa dating gubernador na si Roel Degamo laban sa demanda nito kontra sa isa pang Degamo na tumakbo rin, puno ng pag-asa ng mga Negrosanon na hindi matuloy maalis sa pwesto ang bagong gobernador na si Gov. Henry Teves sa pamamagitan ng magiging desisyon ng Korte Suprema.

Nagkaroon ng direktiba ang Comelec sa Department of Interior and Local Government (DILG) na sabihan si Gov. Teves na pauupiin nito si Degamo bilang bagong gobernador.

Samantala, ayon sa kampo ni Teves, hihintayin nila na ang proper court ang mag-utos dahil ito ang tamang proseso, ayon sa Saligang Batas.

Ayos sa Section 60 (h) ng batas, sa pagpaalis ng isang local official, kailangan muna itong idaan o ipatupad ng proper court para magkaroon ng bisa.

Ayon pa rito, sila ay nagtataka, sapagkat naging mabilis amg desisyon ng Comelec, samantalang ang demandahan ay sa pagitan lamang ng dalawang Degamo.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdarasal ng mga taga-Negros Oriental na huwag mahadlangan ang progreso ng Negros Oriental na alam nila na tangingin sa Teves lamang ang makagagawa. RNT