Desisyon ng FDA sa paggamit ng Sinovac vax sa mga bata ilalabas “in one to two weeks”

Desisyon ng FDA sa paggamit ng Sinovac vax sa mga bata ilalabas “in one to two weeks”

July 21, 2021 @ 7:06 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Matapos ang isa hanggang sa dalawang linggo, ilalabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang desisyon ukol sa paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga menor-de-edad.

“‘Yung sa Sinovac, ‘yung application nila is 3 years old and above so ito po ‘yung tinitingnan pa ng mga vaccine experts natin and tingin po natin, siguro in one to two weeks magkakaroon na tayo ng decision doon sa evaluation,” sinabi ni FDA Director General Eric Domingo sa dzBB.

“Masinsinan lang naman na due diligence kasi hindi naman sa atin ginawa ‘yung study, pagkatapos, meron tayong tinatawag na stringent regulatory authority,” paliwanag ni FDA chief.

Sa kasalukuyan, tinuturok ang Sinovac vaccine sa may edad 18 pataas.

Muli namang iginiit ng opisyal na hindi pa prayoridad ang mga menor-de-edad sa pagbabakuna sa bansa.

“Eventually, darating din naman tayo doon basta ‘yung supplies natin maging sapat na for everybody,” ani Domingo.

Kamakailan, aprubado na sa China ang pagturok ng Sinovac vaccine sa mga bata at kabataan. RNT/ELM


  •  
  •  
  •