Desisyon ng Sandiganbayan sa whistleblower ng Pastillas scam, hinangaan ni Hontiveros

Desisyon ng Sandiganbayan sa whistleblower ng Pastillas scam, hinangaan ni Hontiveros

September 10, 2022 @ 11:48 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinangaan ni Senator Risa Hontiveros ang desisyon ng Sandiganbayan na iurong ang kasong inihain laban sa whistleblower ng Pastillas scam.

Matatandaan na naging matunog ang isyung ito noon sangkot umano ang mga dating opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration.

“I commend the decision of the Sandiganbayan to drop criminal charges against ‘pastillas’ scam whistleblower Jeffrey Dale Ignacio, and to admit him as state witness against high-ranking immigration officials involved in criminal activity,” ani Hontiveros.

“I thank the anti-graft court for heeding our previous calls to consider Jeffrey’s cooperation with the National Bureau of Investigation (NBI) and the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality — which I lead as chairperson — during our probe on the ‘pastillas’ scam in the Bureau of Immigration (BI),” dagdag pa niya.

Nitong nakaraan lamang ay pinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ng state prosecutor na alisin si Immigration Officer III Jeffrey Ignacio sa listahan ng mga akusado sa pastillas scam.

Kung babalikan, si Ignacio ay naunang umamin na miyembro siya ng grupong sangkot sa pastillas scam na kalaunan ay naging whistleblower.

Kahapon ay naghain rin ng not guilty plea ang nasa 50 dating mga empleyado at opisyal ng Bureau of Immigration sa reklamong graft na inihain laban sa kanila. RNT/JGC