Desisyon ng SC na pinal na, ‘di na pwedeng buksan muli – Rep. Lagman

Desisyon ng SC na pinal na, ‘di na pwedeng buksan muli – Rep. Lagman

October 27, 2022 @ 4:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- “Supreme Court decisions rendered final and executory should not be reopened anytime a sitting justice wishes to.”

Ito ang pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman bilang tugon sa naging statement ni Chief Justice Alexander Gesmundo na sa ilalim ng ilang pagkakataon ay maaari pa rin rebyuhin ng korte ang nauna nang desisyon na nabigyan na ng final ruling.

“If final and executory decisions of the Supreme Court can be reopened in perpetuity, then litigations would be interminable or endless and the hallowed doctrine of res judicata is abandoned with impunity,” pahayag ni Lagman na isang abogado.

Nangangamba si Lagman na kung ang lahat ng kaso ay maaaring buksan muli ay wala nang katapusan ang isang kaso.

“If the finality of a decision depends on the changing composition of the Supreme Court, then cases could not be put to rest and differing temperaments and outlooks of justices could rule the day,” ani Lagman.

Ang pahayag ni Gesmundo ay kasunud na rin ng naging pahayaga ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. na nais nyang buksan ang P203-billion estate tax case ng kanyang pamilya.

Ang SC decision sa estate case ng mga Marcos ay naging final and executory noomg March 9, 1999.

Sinabi ni Lagman na 3 dekada ang naging panahon ng Marcos family para kuwestiyunin ang kaso mula nang bumalik sila sa bansa noong 1991 ngunit hindi nila ito ginawa.

“The lapse of time has made the final decision immutable. Jurisprudential doctrines can be reversed in a subsequent similar case, but not in the same prior case where the verdict has already become final and executory,” pagtatapos ni Lagman. Gail Mendoza