Desisyon ng SC sa anti-terror law ‘partly welcome’ sa CHR

Desisyon ng SC sa anti-terror law ‘partly welcome’ sa CHR

December 12, 2021 @ 4:24 PM 10 months ago


Manila, Philippines- Kinilala ng Commission on Human Rights nitong Linggo ang desisyon ng Supreme Court (SC) na ideklarang unconstitutional ang dalawang bahagi ng Anti-Terrorism Act of 2020 at sinabing umaasa silang ang natitirang “contentious” provisions ay bibigyang-linaw.

Ipinahayag ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia na “partly welcome” sa CHR ang desisyon ng SC na ideklarang unconstitutional ang bahagi ng Section 4 ng batas na nagbibigay-kahulugan sa terrorism, at Section 25, na ukol sa pagtukoy sa mga indibidwal, grupo, organisasyon, o asosasyon bilang terorista, nagpopondo sa terorismo, o isang terrorist organization o grupo.

“We see the Supreme Court decision as an affirmation that activism is not an act of terrorism. Activism is part of a healthy, functional democracy where citizens can express and demand redress for grievances,” aniya.

Subalit, sinabi rin ni de Guia na ilang probisyon sa anti-terror law– kagaya ng warrantless arrest, mas mahabang detensyon nang walang pormal na reklamo, posibleng paglabag sa right to privacy dahil sa surveillance, at kakulangan ng sapat na seguridad sa maling aplikasyon ng batas- ang nananatiling “causes of concern.”

Nitong Martes idineklara ng High Tribunal declared na unconstitutional ang isang qualifier sa Section 4 at ikalawang talata ng Section 25 ng Republic Act 11479.

Nakasaad sa Section 4 ng naturang batas na “terrorism shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights.”

Ayon kay De Guia, umaasa ang CHR na mabibigyang-linaw din ang mga natitirang “contentious” provisions sa paglalabas ng SC ng full text ng desisyon, at sinabing “it needs to be clear that what a law must punish are terrorist acts and not the mere free exercise of rights.”

“Our commitment remains in guarding against possible human rights violations arising from the implementation of the anti-terror law. We steadfastly remind the government that countering terrorism and protecting human rights are not competing values but are, in fact, mutual and complementary,” dagdag niya. RNT/SA