Desisyon ng US na kasuhan si Napoles at iba pang kamag-anak, malaking tulong sa pamahalaan

Desisyon ng US na kasuhan si Napoles at iba pang kamag-anak, malaking tulong sa pamahalaan

August 3, 2018 @ 7:45 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Malaking tulong sa pamahalaan ang desisyon ng United States Federal Grand Jury na kasuhan na si Janet Lim Napoles at iba pang kamag-anak nito dahil sa P20 Million money laundering mula sa pondo ng gobyerno.

Patunay lamang ito ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na tinangka ni Napoles na itago ang mga nakaw na yaman mula sa pork barrel scam.

Kaya nga, umaasa ang Malakanyang na dahil sa mga hakbang ng Estados Unidos sa pakikipagtulungan na rin ng Pilipinas ay maibabalik at mapakikinabangan ng taumbayan ang naturang pondo.

Aniya, marapat lamang na habulin rin ang iba pang taong sangkot sa naturang kontrobersiya.

Samantala, maliban kay Janet Lim Napoles ay kasama rin sa kaso sa US ang anak nito na sina Jo Christine, James Christopher at Jeane Catherine; ang kanyang kapatid na Reynaldo at asawa nito na si Ana Marie. Kris Jose