Desisyon ni Cebu Gov. Garcia vs facemask, pinaboran ng ilang senador

Desisyon ni Cebu Gov. Garcia vs facemask, pinaboran ng ilang senador

June 13, 2022 @ 6:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinaboran ng ilang senador ang desisyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na tuluyan nang ibasura ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay.

Sa panayam ng DzBB, inihayag ni Senador Koko Pimentel ang kanyang pagsuport sa pinakahuling executive order ni Garcia na gagawing optional na lamnanag ang pagsusuot ng face mask sa maluluwang na lugar.

“Encourage wearing of mask, ipaalala sa mga tao na magsuot nito indoors pero sa labas na may fresh air, may circulation ng hangin, sana payagan nang maging optional ang pagsusuot ng face mask,” ayon kay Pimentel.

Bukod kay Pimentel, aprubado naman ni newly elected Senator Robin Padilla ang kautusan ni Garcia kahit taliwas ito ng pambansang patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID o IATF).

Nitong Lunes, pinanindigan ni Garcia ang EO No. 16 sa kabila ng matinding pagtutol mula sa pambansang ahensiya tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at Philippine National Police (PNP).

Aniya sa kanyang EO, panahon na upang maging rasyunable ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa Cebu dahil matagal nang nailatag ang mga pangunahing anti-Covid measure, 2 taon ang nakakaraan.

Naging optional ang pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay o sa maluluwag na lugar sa Cebu pero kailangan pa rin magsuot sa indoor at masisikip ng lugar,

Hindi naman sumunod sa kautusan ni Garcia ang tatlong independyenteng lungsod sa Cebu, Cebu, Mandaue, and Lapu-Lapu. Nananatiling nasa Alert Level 2 ang buong Cebu hanggang Hunyo 15. Ernie Reyes