Desisyon ni PDU30 sa pinaiksing physical distancing sa public transpo, iaanunsyo bukas

Desisyon ni PDU30 sa pinaiksing physical distancing sa public transpo, iaanunsyo bukas

September 16, 2020 @ 2:35 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Maniila, Philippines – Inaasahang dedesisyunan bukas, Setyembre 17 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang usapin tungkol sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng nabuo nang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa usapin.

Ani Sec. Roque, nabuo ang rekomendasyon matapos ang anim na oras na pagpupulong ng Task Force kahapon na dinaluhan ng mga dati ring DOH secretary gaya nina Dra. Esperanza Cabral at Dr. Manuel Dayrit.

May iba pa aniyang eksperto na kasama sa pulong na nagpresenta ng kani- kanyang argumento sa subject matter.

Subalit sa hinaba – haba ng diskusyon ani Roque ay nakapag- desisyon rin sa bandang huli ang IATF na ang pasiya aniya ay ibinatay sa siyensa. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...