Desisyon sa BSKE inaasahang ilalabas sa katapusan ng Agosto

Desisyon sa BSKE inaasahang ilalabas sa katapusan ng Agosto

August 7, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections chairperson George Garcia nitong Linggo na inaasahan nilang ilalahad ng Kamara sa katapusan ng buwan ang desisyon nito kung ipagpapaliban o itutuloy ang 2022 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre.

Sinabi ni Garcia sa payanam sa radyo na inaabangan nila ang pagdinig sa pagsasagawa ng BSKE sa gitna ng mga panawagan sa pagpapaliban nito upang makatipid ng P8.141 bilyon.

Gayunman, sinabi ni Garcia na personal siyang naniniwala na ang BSKE ay dapat magpatuloy ayon sa plano dahil ito ay magreresulta sa isang umuunlad na demokrasya para sa bansa.

“Ang isang eleksyon, ‘yan ang nagiging paraan upang palitan ang mga tiwali, walang kuwenta, at hindi talaga mga performer na nanunungkulan sa ating pamahalaan. At the same time, ‘yan naman ay isang pagkakataon din upang mapanatili natin ang mga lider na sa ating palagay naman ay karapat-dapat na mamahala sa atin nang tuloy-tuloy,” sabi ni Garcia.

Aniya tama na magkaroon ng halalan subalit kinikilala natin na ito ay isang absolute na discretion ng ating Kongreso kung ipagpapaliban o itutuloy ang darating na halalan na SK and barangay election.

Nauna nang sinabi ni Garcia na “in full swing” na ang poll body para sa kanilang paghahanda para sa BSKE, na kinabibilangan ng mga briefing at pagsasanay sa kanilang mga matataas na opisyal.

Sinabi rin nito na ang P8.4 bilyong pondo para sa BSKE, humigit-kumulang P5 milyon na ang nagastos para sa pagpaparehistro ng mga botante at pagbabayad ng mga manggagawang nag-overtime para sa paghahanda ng BSKE. Jocelyn Tabangcura-Domenden