Desisyon sa fare hike petitions ‘di pa tiyak ng LTFRB

Desisyon sa fare hike petitions ‘di pa tiyak ng LTFRB

June 4, 2022 @ 10:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Wala pang kasiguraduhan ang desisyon sa pending jeepney fare hike petitions sa pagpapahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pag-pabor nito sa kasalukuyang service contracting at fuel subsidy programs ng pamahalaan upang tugunan ang sitwasyon ng public transport sector sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Historically, before this administration, kapag may pagtaas ng presyo sa krudo ang nagiging kasagutan na agad is fare hike [pero] matutugunan lang ang problema ng tsuper o operator, ang matatamaan naman ang mga mananakay,” pahayag ni LTFRB chairman Martin Delgra III sa press briefing nitong Biyernes.

Ayon kay Delgra, mas pabor abg pamahalaan sa implementasyon ng mga programa upang direktang tugunan ang pinansyal na pangangailanngan ng public transport sector sa pagtaas ng presyo ng langis 

“Hindi kaagad agad ang kasagutan doon ay pagtaas ng pamasahe,” aniya.

Pinuri ng LTFRB chief kasalukuyang service contracting program at pamamahagi ng P6,500 fuel subsidy ng pamahalaan upang ibsan ang financial burden ng public transport drivers at operators.

Naiulat ng LTFRB na hanggang ntong Hunyo, 64,157 public utility vehicle (PUV) units ang nakibahagi sa service contracting program at sa kasalukuyan ay nakapamahagi na ng P1.4 bilyon mu sa P7 bilyong budget para sa inisyatiba.

Ukol naman sa ridership, 88,213,915 pasahero na ang nakinabang sa “Libreng Sakay” mula Abril 11 hanggang Hunyo 2, 2022.

Para naman sa fuel subsidy program, sinbi ng LTFRB na 180,061 PUV operators ang nakatanggap na ng kanilang fuel subsidy, na katumbas ng P1.17 bilyong nakalaan para sa programa. 

Ibinasura ng LTFRB nitong Marso ang petisyon ng transport groups na itaas ng P1 ang minimum fare, mula P9 sa P10 habang ang ibang petisyon ay nakabinbin pa.

Iginiit ng LTFRB na sa pagresolba sa petisyon sa fare hike, maingat nitong sinusuri ang lahat ng aspeto, lalo na ang inflationary impact nito sa ekonomiya, epekto sa commuters, at inaasahang domino effect sa presyo ng mga bilihin at serbisyo. RNT/SA