Desisyon sa minimum wage hike petitions ilalabas bago mag-Mayo- DOLE exec

Desisyon sa minimum wage hike petitions ilalabas bago mag-Mayo- DOLE exec

March 19, 2022 @ 11:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makapagdedesisyon ukol sa petisyon na itaasang minimum wages sa bansa bago sumapit ang Mayo, ayon sa opisyal ng ahensya nitong Sabado.

“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang proseso,” pahayag ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

“Bago ang Mayo, malalaman na ang desisyon kaugnay sa wage increase petitions,” dagdag pa niya.

Nagprotesta naman ang Unity for Wage Increase Now! sa National Capital Region Wage Board office upang isulong ang petisyob na P750 minimum wage.

Samantala, umapela ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa karagdagang P470 sa daily minimum wage sa NCR. RNT/SA