‘Despacito’ minus Justin Bieber, mas pinatugtog sa YouTube!

‘Despacito’ minus Justin Bieber, mas pinatugtog sa YouTube!

October 16, 2020 @ 5:54 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Paris, France- Nangunguna na sa YouTube sa bilang ng patugtog ang kantang  ‘Despacito’ nina Luis Fonsi at Daddy Yankee.

Ayon sa ulat ng AFP Relaxnews, lagpas na sa pitong bilyong ulit pinatugtog at pinakinggan  sa YouTube ang ‘Despacito’ na unang sumikat nu’ng Enero 2017.

Ang orihinal na bersyon sa wikang Kastila ang pinatutungkulan ng ulat, hindi ang remix version kung saan kasali si Justin Bieber na nu’ng 2017 din lumabas.

Si Justin mismo ang humiling kay Luis Fonsi, ang pangunahing composer din ng kanta, na gumawa sila ng remix na kasali siya.

Ayon sa ulat sa Internet nu’ng 2017, unang narinig ni Justin ang ‘Despacito’ sa isang disco sa bansang Columbia at namangha umano ito sa rami ng sumayaw at nakikanta.

“The number of ‘Despacito’ views is almost equal to the global population, highlighting just how many times this video has been played,” pagbibigay-diin ng ulat ng AFP Relaxnews.

Ang video ay kinunan sa isang historic neighborhood sa La Perla, San Juan sa bansang Puerto Rico, ayon pa sa AFP Relaxnews.

Ginunita rin sa AFP report na noon pa mang 2017 ay umabot na sa tatlong bilyon ang nagpatugtog sa YouTube, walong buwan pagka-release nito.

Tinalo ng ‘Despacito’ ang record ng awaiting ‘Baby Shark Dance’ na nagtala ng 6.8 billion na ulit na pinatugtog sa isa pang video-sharing channel na ang pangalan ay Pinkfong, ayon pa rin SA AFP Relaxnews. Danny Vibas

 


  •  
  •  
  •  

Loading...