Manila, Philippines – Hindi na dapat kinakaladkad ng Malakanyang ang Simbahang Katoliko sa isyu ng umano’y destabilization plot laban sa Duterte Administration.
Ito, ayon kay Fr. Ranhilio Aquino, ay kung talagang tunay ang hangarin ng pamahalaan na pakikipagkasundo sa simbahan.
“If the Government wants sincere dialogue with Church, they should stop that characterizing the Church as a participant if not the leader in the destabilization plot will not prosper dialogue at all,” ani Aquino, Dean ng College of Law ng San Beda, sa panayam ng church -run Radio Veritas.
Matatandaang humingi ng dayalogo ang Malakanyang sa Simbahan matapos uminit ng husto ang isyu nang tawaging estupido ni Pangulong Duterte ang Diyos.
Ayon kay Aquino, dapat na bukas ang kamay at puso ng Malakanyang sa pagpasok nito sa negotiating table.
Kung patuloy kasi aniyang igigiit ng Malakanyang ang paniniwala nitong sangkot ang simbahan sa destabilization plot ay mababalewala rin ang gagawing dayalogo.
“People should come to the negotiating table with open hearts and open hands,” aniya. (Macs Borja)