DFA: 11 pang Pinoy sa abroad positibo sa COVID

DFA: 11 pang Pinoy sa abroad positibo sa COVID

February 23, 2021 @ 7:12 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ng 11 pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na ngayon ay may kabuuang 14,812.

Umakyat na rin ang nakarekober sa 9,309 makaraang walo pa ang gumaling habang nananatili naman ang nasawi sa 1,014.

Iniulat naman ang kumpirmadong COVID case sa Middle East/Africa sa 8,131; 662 nasawi; at 4,755 gumaling.

Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 2,874 infections; 21 nasawi; at 2,050 nakarekober.

Habang sa Europe naman ay 2,935 Pilipino ang may COVID; 125 ang nasawi; at 1,922 na nakarekober.

Naitala rin sa America ang 872 pang kaso; 206 nasawi; at 582 nakarekober.

“The DFA, together with its Foreign Service Posts, continues to partner with host governments to ensure the safety and well-being of our nationals abroad amidst the pandemic,” pahayag ng DFA. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •