DFA: 12 overseas Pinoy, patay sa COVID-19

DFA: 12 overseas Pinoy, patay sa COVID-19

March 5, 2021 @ 6:34 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Patay ang 12 pang Filipino sa ibang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan para umabot na sa 1,033 ang death toll, ayon sa Department of Foreign Affairs, Huwebes.

29 dagdag kaso pa ng COVID-19 sa Pinoy overseas ang naitala kaya umakyat na sa 15,052 ang kabuuang bilang.

Sa kabila nito, nakapagtala ng 58 bagong gumaling dahilan para makapagtala na ng 9,513 total recoveries sa hanay ng mga overseas Pinoy na nahawa sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang 4,506 pasyente ang ginagamot, o mga aktibong kaso. RNT


  •  
  •  
  •