DFA: 14 distressed OFWs sa Lebanon nakauwi na sa Pinas

DFA: 14 distressed OFWs sa Lebanon nakauwi na sa Pinas

July 28, 2022 @ 6:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 14 distressed Overseas Filipino Workers sa Lebanon ang napauwi na, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Inihayag ng DFA nitong Miyerkules na ang 14 distressed OFWs ay physically abused, sheltered runaways, at detained workers.

Sa pakikipagtulungan sa Lebanese authorities, napauwi ng Philippine Embassy sa Lebanon ang OFWs at na-clear ang mga ito sa “immigration liabilities.”

Sa unang kwarter ng 2022, inihayag ng DFA na ang inilaang shelter para sa distressed at undocumented Filipinos ay malapit na sa “full capacity.”

Subalit, sinabi ng departamento na ang occupancy rate ng shelter ay bumaba na sa 98 porsyento kasunod ng pinakahuling repatriation.

Inilahad ng DFA, batay sa kwento ng OFWs, na karaniwan na ang illegal recruitment patungong Lebanon sa gitna ng deployment ban ng household service workers sa bansa mula pa 2007.

“The embassy also monitors and ensures the welfare of Filipino nationals in various penal facilities in Lebanon. It prioritizes the provision of legal assistance and their earliest possible repatriation while giving basic supplies, as deemed necessary,” pahayag ng departamento.

“Following the repatriation flight, the embassy reduced the number of jailed Filipino workers in Lebanon by 70 percent,” dagdag nito.

Samantala, inihayag ng DFA na ipagpapatuloy ng embahda ang pag-aalok ng individual exit clearance endorsements para sa undocumented at distressed OFWs, at sinabi pang ang mga biktima ng pang-aabuso ay bibigyan ng psychosocial at legal assistance. RNT/SA